top of page
Search
Writer's pictureHi - F

SI HESUS AY HINATULANG MAMATAY

Reflection on Matthew 27:15-26 / Mark 15:6-15


Ang mga tao ay sinulsulan ng mga saserdote para hilingin sa gobernador na parusahan si Hesus. At ang mga saserdote naman ay sinulsulan ng inggit para gawin nila ito.


Bakit nainggit sila kay Hesus?

Dahil hindi nila matanggap, lalo na, ng mga saserdote na ang atensyon at paniniwala ng mga tao, ay mabaling kay Hesus, na anak ng isang karpintero lamang.

Dahil narinig nila ang mga usap-usapan tungkol kay Hesus na gumagawa ng mga himala at kababalaghan, kaya inisip nila na si Hesus ay isang malaking banta laban sa kanila.


Si Poncio Pilato

Photo credits to St. Jude Religious Store


Si Pilato ay larawan ng isang demokratikong lider. Demokratiko in the sense na, anuman ang hinaing o saloobin ng kanyang nasasakupan ay kanyang pagbibigyan kahit ito ay labag sa kanyang sariling kalooban.

Ngayon, sa sitwasyong ito na dinala ng mga tao si Hesus kay Pilato para ipapatay, malamang si Pilato ay nahirapang magdesisyon kung pagbibigyan ba niya ang mga tao o hindi. Bakit?


Dahil alam ni Pilato na walang kasalanan si Hesus.

  • Alam niyang inggit ang nag-udyok sa mga tao para dalhin sa kanya. (Mat. 27: 18 / Mark 15:10)

  • Dagdag pa, nagbigay sa kanya ng warning ang kanyang asawa dahil napanaginipan nito ang pagiging inosente ni Hesus, at ito ay nagbigay sa kanya ng pagkabagabag. (Mat. 27:19)

Sa kabila nitong mga nalalaman ni Pilato tungkol kay Hesus, ay sinunod niya pa rin ang hiling ng mga tao, at siya ay naging walang pakialam sa responsibilidad ng paghatol na dapat ay sa kanya nakasalalay.. Naghugas pa siya ng kamay at hindi niya binigyang pansin ang kanyang konsensiya. Bakit niya ginawa niya ito? Para protektahan ang kanyang political career.


Sa kasalukuyang panahon, maraming indibidwal, hindi lang lider, hindi lang pinuno, pati na rin ordinaryong tao, ay mabilis humatol na hindi naaayon sa kanyang malinis na konsensiya.

Lalo na ang ibang may katungkulan sa lipunan. Mabilis kumiling sa ibang tao, o mga bagay na sa tingin niya ay beneficial para sa kanyang sariling kapakinabangan.

Mas pipiliin pa ng mga taong ito na mapahamak ang kapwa, ‘wag lang siyang mapahiya, basta maisalba lang ang sarili niya at maprotektahan ang kanyang political career.

Ang masama pa, kapag ang kanyang desisyon ay nagresulta sa kamalian o kaguluhan, sisisihin pa ang ibang tao lalo na ang kanyang mga katunggali.


Pero alam naman natin na hindi likas sa tao ang pagiging masama. We are created ayon sa wangis ng Diyos. Kaya lang naman nagiging masama ang tao ay dahil sa udyok, udyok ng kasamaan.


At kahit gaano kasama ang isang tao, magiging karapat-dapat pa rin siya sa kaharian ng Diyos, provided.. basta’t aminin niya lang at pagsisihan ang kanyang kasalanan. Dahil ang awa ng Diyos ay walang hanggan.


Amen!


21 views0 comments

Comentários


bottom of page